-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin sa kanilang mga fans ang Korean actor na si Song Joong Ki kaugnay sa kumpirmadong paghain nito ng divorce kay Song Hye Kyo.

Nabatid na halos dalawang taon pa lamang mula nang ikinasal ang dalawa na nakilala sa hit television drama na “Descendants of the Sun” kung saan sila naging loveteam.

“I have begun the process of filing for divorce from Song Hye Kyo. Rather than denouncing one another and arguing over who is to blame, I hope that the divorce process can be wrapped up amicably,” pahayag ni Kyo sa pamamagitan ng abogado nitong si Park Jae Hyun.

Ayon sa 33-year-old actor, sana ay maunawaan ng mga fans na ayaw na nitong idetalye ang mahirap na sitwasyon sa personal na buhay nila ng 37-year-old actress.

Maging siya aniya ay dadaan sa proseso ng paghilom ng mga sugat bunsod ng paghihiwalay nila ni Hye-kyo. (straitstimes photo)