KALIBO, Aklan—Nag-alok ng tulong sa lokal na pamahalaan ng Kalibo, Aklan ang isang Korean firm upang masolusyonan na ang tambak-tambak na basura sa open dump site sa nasabing bayan.
Ayon kay Jay-ar Arante, head ng communication affairs ng LGU-Kalibo, nalagdaan na ang letter of intent gitna ni Mayor Juris Sucro at Smart Power ng South Korea, kompanyang eksperto sa paggawa ng state-of-the-art na incinerators na siyang nagsusunog sa mga basura at ang init na maipon ay gagamitin bilang alternatibong source of energy na hindi lamang ang Kalibo ang maaaring makinabang sa proyekto kundi maging ang mga kalapit bayan.
Nauna nang sinabihan ang LGU Kalibo ng National Solid Waste Management Commission na i-convert ang dumpsite sa sanitary landfill upang makatulong sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Kasunod sa pagbisita ni Mayor Sucro sa Korea noong nakaraang buwan ng Mayo ay pumunta din sa Kalibo ang mga kinatawan ng kompaniya at nagsagawa ng ocular inspection sa dumpsite.
Inaasahan na masisimulan ang nasambing proyekto sa mas madaling panahon.