-- Advertisements --

Target ng Pambansang Pulisya na gawing nationwide ang pagtatalaga ng Korean help desk.

Dadagdagan ng PNP ang mga Korean Help Desk sa mga istasyon ng pulis sa buong bansa kasunod na rin ito ng ilang krimen kung saan ang mga biktima ay mga Koreano.

Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na mula sa pitong Korean help desk ngayon magdadag pa sila ng tatlo hanggang pitong help desk sa tulong na rin ito ng Korean National Police Agency na nakapulong ni Dela Rosa noong nakaraang linggo.

Sa ngayon kasi nakatalaga ang Korean help desk sa piling lugar sa bansa kung saan maraming Koreano gaya ng Cebu, Boracay, Angeles, Pampanga, Davao, Subic at Baguio.

Samantala, sinabi pa ng PNP chief na plano nilang dagdagan ang police visibility sa Pampanga kung saan dinukot si Jee Ick Joo.

Una rito, ibinunyag ng Korean ambassador na 50 percent sa mga Koreanong biktima ng pamamaslang sa buong mundo ay naitala partikula na sa Pampanga.