-- Advertisements --
BTS
BTS/ IG POST

Naitala ng Korean boyband na BTS ang Guinness World Record sa best-selling album in South Korea.

Umabot kasi sa 3,399,302 na kopya ang naibenta sa bagong album nilang “Map of Soul: Persona”.

Ang nasabing kabuuang benta mula noong ilabas nila ang album noong Abril sa kanilang bansa.

Record-holder din ang hit song nilang “Boy with Luv” mula sa parehas na album na nakapagtala agad ng 74.6 million views sa isang araw lamang.

Naitala ng Guinness World Record ang nasabing video na “most viewed YouTube video in 24 hours” at “most viewed YouTube music video in 24 hours by K-pop group”.

Ayon din sa Guinness na nahigitan din ng BTS ang kanilang sariling record sa parehas na category na kanilang nakuha noong 2018 sa music video na IDOL na mayroong 45 million views sa unang araw nito sa YouTube.