-- Advertisements --

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Korean national na umano’y nasa likod ng pagpapatakbo ng isang POGO like hub.

Ang naturang suspect ay naaresto ng otoridad sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa BI , ang naturang Koreano at sinasabing ‘big boss’ ng isang sindikato ng online gambling.

Sa naging pahayag ni BI Fugitive Search Unit chief Rendel Sy, sinabi nito na kumikita ang naturang sindikato ng aabot sa isang milyong dolyar sa set-up palang ng kanilang gambling site.

Nabatid na ang suspect at mga kasabwat nito ay matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad sa South Korea ngunit matinik aniya ang mga ito kaya hindi nahuhuli.

Sinabi naman ni Sy na kapag natukoy na walang pending na kaso ang mga ito sa Pilipinas ay kaagad na ipoproseso ang kanilang deportasyon patungo sa kanilang bansa.

Kasalukuyan ngayong nasa detention facility ng BI sa Taguig ang naturang suspect.