-- Advertisements --

Natagpuang patay ang isang South Korean sa loob ng Warden Facility ng Bureau of Immigration sa lungsod ng Taguig.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, kinilala ang biktima na si Son Beyeongkweon, 52-anyos.

Naaresto si Son noong Disyembre 29 sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa may kaso itong panloloko sa South Korea.

Dagdag pa ni Sandoval na matapos na matagpuan ang bikitima ay agad nilang tinawag ang nurse sa kanilang pasilidad subalit huli na para mailigtas pa ang buhay nito.