-- Advertisements --
Pumanaw na ang Korean singer na si Choi Sung Bong sa edad 33.
Natagpuan ng mga kaanak nito ang bangkay ng singer sa bahay nito sa Seoul.
Naniniwala ang mga otoridad na nagpakamatay ang singer.
Ilang araw kasi bago ang insidente ay nagpahiwatig na itong magpapakamatay base sa kaniyang mga post sa social media.
Si Choi ay finalist ng “Korea’s Got Talent” noong 2011 kung saan ilan sa mga kantang pinasikat niya ay ang “A Thousand Winds”, “You Are A Blessing” at “As What I Say”.