Wala pang isang buwan matapos ang K-pop star na si Moonbin ay bawian ng buhay sa edad na 25, ang Korean trot singer na si Haesoo ay iniulat naman na namatay sa edad na 29.
Natagpuang patay si Haesoo sa kanyang hotel kung saan nakita ng South Korean police ang hinihinalang suicide note sa kwarto.
Si Haesoo ay isang trot singer, isang genre na sikat sa South Korea. Nag-debut siya noong 2019 at pinalago ang kanyang fan base kasunod ng paglabas ng kanyang single album na, ‘My Life’.
Matapos ang pag-release ng kaniyang mini-album na My Life noong 2019, naglabas din si Haesoo ng iba’t ibang nakakaakit na kanta na kinagiliwan ng kaniyang mga taga hanga.
Nakatakda sana na magtanghal ang naturang singer sa Gwanjumyeon People’s Day event sa Wanju Gun, Jeollabuk-do ngayong Mayo 20.