-- Advertisements --
Sasalubungin ng South Korean stars na sina Hyun Bin at Son Ye Jin ang buwan ng Abril bilang ganap ng mag-asawa.
Ngayong araw kasi itinakda ang kanilang pag-iisang dibdib ganap na alas-4:00 ng hapon sa Seoul na siyang kabisera ng kanilang bansa.
Nakilala ang real-life sweethearts sa hit K-drama na “Crash Landing On You” na umere noong December 2019 hanggang February 2020.
Nitong nagdaang “love month” nang maging engage ang dalawa kasabay ng anunsyo na nais na nilang lumagay sa tahimik sa piling ng isa’t isa.
Samantala, nagbahagi naman ang VAST Entertainment at MSTeam ng ilang larawan para anila masilayan naman ng fans lalo’t pribado lamang ang seremonya ng kasal.