Inaasahang lalo pang darami ang bilang ng mga tursitang Koryano na magtutungo dito sa Pilipinas, matapos maisapinal ang pagbubukas ng isang flight mula South Korea patungo sa Palawan.
Ang naturang ruta ay isa sa mga natukoy ng pamahalaan ng South Korea na maaaring buksan, dahil na rin sa mataas na bilang ng mga koryanong interesadong magtungo sa naturang probinsya.
Ayon sa Kagawaran ng Turismo, nais din ng pamahalaan ng naturang bansa na makipag-partner sa kagawaran para sa pagsasanay ng mga tour guides sa Korean language, kasama na ang iba pang maaaring programa para sa mga dayuhang turista.
Batay sa datus ng Kagawaran, ang mga Koryano ang isa sa may pinakamaraming bilang ng mga turistang bumisita sa bansa kung saan nitong huling kwarter ay naitala ang hanggang 26.14% mula sa kabuuang 1,332,855 na turistang nagtungo sa Pilipinas.