-- Advertisements --

Arestado ang Koreangong may-ari ng isang resort sa Batangas, matapos mahulihan ng armas, granada at bala ng mga operatiba ng CIDG-ATCU ng salakayin ito mag hating gabi, kagabi sa may Barangay Wawa.

Nakilala ang suspek na si Song Jiman may-ari ng Fortune Island Resort sa Batangas.

Nakuha sa posisyon ng Koreano ang isang Colt .45 pistol, mga bala, hand grenade at isang high-voltage portable electric taser.

Ang pagsalakay ng CIDG ATCU ay batay sa search warrant na inilabas ni nJudge Agripino Morga ng Regional Trial Court ng San Pablo City, Laguna.

Ayon sa CIDG ATCU chief, P/Supt. Roque Merdeguia nakatanggap sila ng impormasyon na si Song Jiman ay may baril at nanunutok sa mga residente at maging sa mga turista.

Nakakuha din ng impormasyon ang CIDG na sangkot din ito sa extortion activities kung saan ang mga bini biktima nito ay mga kapwa Koreano.

Sinabi ni Merdeguia na higit isang buwan din nilang minamanmanan ang suspek at talagang may armas daw ito.

Pero nang beripikahin nila sa Firearms and Explosive Office sa Kampo Crame na walang nakarehistrong baril sa pangalan ni Song Jiman.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa CIDG ATCU ang suspek at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosives.