-- Advertisements --

Ipinasa sa pambato ng Pilipinas ang korona ng Miss Interglobal 2021 matapos na naghain ng resignation ang nanalo.

Ayon sa organizers na personal na rason ang dahilan ni Nanchita Jantana ng Thailand kaya ito nag-resign sa paghawak ng titulo.

Nagpasya ang organizer na ipasa ang korona sa first runner up na si MIriam Refuerzo Damoah na siyang first runner-up.

Si Damoah ay itinalaga ng bansa na maging representative ng Miss Interglobal noong buwan ng Agosto.

Ang Miss Interglobal ay isang Nigeria-based pageant na ginanap ito noong Disyembre 5 sa isang virtual events.