-- Advertisements --

KORONADAL CITY-Pahirapan pa di umano ang pagresolba ng Koronadal pnp sa hold up case ng isang estudyante habang naka online class sa lungsod ng Koronadal.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay P/Lt. Reynaldo Sotelo ng Koronadal PNP, kahit na may sinusundan na silang person of interest, isang problema sa ngayon ang pagdalawang isip ng biktima at ng isa pagtestigo na magtestify dahil sa takot na posibleng balikan sila ng suspek dahil na rin nakatanggap di umano sila ng threat mula sa suspek.

Nakuha sa footage ng cctv ang pagtanggal ng suspek ng kanyang helmet na posibleng namukhaan ng biktima at ilang testigo na bumaba sa sinasakyang motorsiklo at pumasok sa loob ng pamamahay ng biktima at kinuha ang cellphone at pera nito kung saan nagtangka pang gahasain ang biktima.