Inihayag ng Buckingham Palace ang pagdiriwang ng koronasyon kay King Charles III ng Britain ay sa buwan ng Mayo sa pamamagitan ng mga tradisyunal na prusisyon, isang konsiyerto sa Windsor Castle, mga street party, light show at community volunteering.
Si King Charles ay awtomatikong naging hari sa pagkamatay ng kanyang ina na si Queen Elizabeth noong buwan ng Setyembre.
Ang grand coronation ceremony para sa kanya at sa kanyang asawang si Camilla ay magaganap sa Sabado, Mayo 6 ng kasalukuyang taon.
Dagdag dito, ang pagpuputong ng korona ay ang pangunahing set piece event ng royal family para sa 2023, sa taong ito ay natabunan ng tell-all memoir ng anak ng monarch na si Prince Harry kung saan nag-akusa siya laban sa Hari at iba pang miyembro ng pamilya.
Sa paglalathala ng mga detalye ng koronasyon, inihayag ng Buckingham Palace na ang mga Briton, na nabigyan na ng dagdag na bank holiday noong Mayo 8 para markahan ang okasyon, ay makakapanood ng mga seremonya at isang espesyal na konsiyerto, at makikita ang mga iconic na gusali na inililiwanagan ng mga projection, laser. at mga pagpapakita ng drone.
Kaugnay niyan, si King Charles III ay hari rin at pinuno ng estado ng 14 na iba pang kaharian kabilang ang Australia, Canada, Jamaica, New Zealand at Papua New Guinea.
Ang pormal na seremonya ay magaganap sa Westminster Abbey ng London at susundan ang tradisyonal na pageantry na ginamit para sa pagpapahid ng mga monarch sa nakalipas na 1,000 taon.
Kasunod ng mga prusisyon, ang Hari at reyna na asawa ay magpapakita sa balkonahe sa Buckingham Palace kabilang ang mga miyembro ng royal family.
Una na rito, ang Windsor Castle ay magho-host ng isang coronation concert sa Linggo ng Mayo 7, na magtatampok ng isang orchestra na tutugtog kasama ang ilan sa mga pinakamalaking entertainer sa mundo at isang espesyal na koro ng koronasyon, bago ang mga gusali sa buong bansa ay paiilawan ng magarbong light show.