Nagpapasaklolo na sa gobyero ng Pilipinas ang kompaniya ng 36 pang mga Filipino na missing sa nangyaring paglubog ng barko na may karga ng 6,000 mga baka sa karagatang malapit sa Japan.
Umaapela si Elias de los Reyes III, presidente ng Korpil Shipmanagement and Manning Corporation sa Malacanang na sana pakiusapan ang gobyerno din ng China at South korea na tumulong na rin sa pagsasagawa ng search and rescue operation sa mga missing na Pinoy kasama ang apat na mga dayuhan.
Nilinaw ni Delos Reyes na ang lugar kasi kung saan nangyari ang paglubog ng barko noong nakaraang linggo ay bahagi na ng international waters at hindi mismong nasa Japan.
Muli namang tiniyak ng Korpil management na hindi sila nagpapabaya gayundin sa pagtulong sa pamilya ng mga tripulante Pinoy.