ILOILO CITY- Ibinasura ng korte ang bisa ng search warrants na isinilbi ng Police Regional Office 6 (PRO-6) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kontrobersyal na raid sa Tapaz, Capiz at Calinog, Iloilo.
Matandaan na sa nasabing simultaneous joint operations, siyam na mga residente ang namatay matapos umanong nanlaban sa otoridad.
Ngunit nanindigan ang pamilya ng mga namatay na pwersahang pinasok ang kanilang mga bahay at hindi ang ito nanlaban.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Msgr. Meliton Oso, director ng Jaro Archdiocesan Social Action Center, sinabi nito na sa inilabas na Omnibus Decision ni Judge Rommel Leonor, ng Regional Trial Court Branch 21 sa Mambusao, Capiz, nakasaad na hindi pumasa sa ‘constitutional requirement’ ang nasabing search warrants.
Base sa resolusyon, pinaburan nito ang inihahin na motion to quash sa search warrants na inisyu ng RTC Branch 4 sa Manila laban kina Marilou Catamin, Rollen Catamin, Eleuteria Caro, Jucie Caro, Ferdinand Capillo at Marivic Aguirre nga kasapi ng Tumandok na in-aresto ng mga otoridad sa nasabing raid.
Ikinatuwa ni Oso na pumanig ang korte sa hustisya at katotohanan.
Aniya, maituturing na tagumpay para sa mga human rights advocate katulad niya na pinaglalaban ang karapatan ng mga mamamayan.