ILOILO CITY – Guilty ang naging hatol ng hukom ng Regional Trial Court Branch 39 kay dating RMN Iloilo Anchorman Rhoderick “Rhod” Tecson sa kasong cyber libel.
Ang kaso ay isinampa ni Dr. Rogelio M. Florete, Chairman ng Florete Group of Companies.
Hinatulan ni Judge Victorino Oliveros Maniba Jr. si Tecson na makulong ng anim na taon.
Inatasan din ng korte ni Tecson na bayaran ng danyos si Dr. Florete, na nagkakahalaga ng P500,000.
Agusto 18, 2014 nang isampa ng government prosecutors ang kaso laban kay Tecson dahil sa pagsira sa imahe ni Dr. Florete.
Samantala, nagpaalala naman si Dr. Florete na nawa’y magsilbi itong leksyon sa mga mass media practitioner na huwag abusuhin ang kanilang trabaho, huwag tumanggap ng pera kapalit ng paninira sa ibang tao at iwasan na manira ng imahe.
Si Dr. Florete ay kilalang media mogul at may-ari ng Bombo Radyo Philippines, ang number 1 radio network in the Country.