-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sumuko sa mga otoridad si Charlie Daguplo, principal ng H. Diamalod Ebrahim Elementary School sa Lun Padidu, Malapatan, Sarangani Province dahil sa kasong pagpatay.

Mariin naman nitong itinanggi ang alegasyon laban sa kanya.

Dagdag pa nito kahit alam niya na may kasong kinahararap ay hindi siya nagtago.

Hinintay pa unamo nito ang pag-isyu ng korte ng warrant of arrest upang kaagad ay susuko sya sa mga otoridad.

Sa pahayag pa nito na inakusahan siya na pumatay ng kapatid ng mga wanted person sa kanilang lugar.

Napag-alaman na mula sa kasong murder na isinampa naging homicide ang reklamo sa kanya.

Nagbayad si Daguplo ng P120,000 para sa kanyang pansamtalang kalayaan.