Kinatigan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 90 ang kahilingan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na karagdagang 30 dyas para makapagsagawa ng forensic examination sa mga nakumpiskang gamit ng isang Chinese national na nahuli sa Makati City noong May, 2024.
Unang humirit ang CIDG ng extension dahil sa hindi umano sapat ang 10 araw na unang ibinigay ng korte para rito.
Idinahilan ng CIDG ang napakaraming gamit na nakumpiska sa naturang dayuhan na kinabibilangan ng mga military grade drone, antenna system, radio receiver/transmitter, router, celphone, tablet, at laptop
Dahil sa extension, mayroong hanggang July 31 ang CIDG upang tapusin ang isinasagawang pagsusuri.
Noong May 29, 2024 ay naaresto ng Philippine National Police’s (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) isang isang tsino na kinilalang si Yuhang Liu sa Barangay San Isidro.
Ang naturang dayuhan ay may dala-dalang tatlong mga baril, bala, at iba’t-ibang mga electronic equipment na hinihinalang magagamit din sa mga hacking.
Maliban sa PNP, tinutukan na rin ito ng Armed Forces of the Philippines dahil sa pangambang si Yuhang ay isang espiya, dala na rin ng mga nakumpiskang gamit nito.