-- Advertisements --

Inatasan ng Office of the Court Administrator (OCA) ang mga judges na agad na magsagawa ng inventory ng mga pending criminal cases para sa mabilisang pagpapalaya ng ilang mga inmates.

Ang nasabing hakbang ay para mapaluwag ang mga detention faciities at maiwasan ang pagkahawa ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sinabi ni Court Administrator Jose Midas Marquez, na kung maari ang mga inmates na sakop ng 2014 Supreme Court guidelines ay puwedeng ipatupad para sa mabilisang pagdinig at agarang makapagpiyansa.

Magugunitang ilang mga inmates mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang nasawi matapos na madapuan ng virus.