-- Advertisements --
Pinasawalang sala ng korte sa India ang Roman catholic bishop na inakusahang nanggahasa ng isang madre ng dalawang taon sa estado ng Kerala.
Napasigaw na “Praise The Lord” si Franco Mulakkal matapos na ilabas ni Judge G. Gopakumar ng Kottayam City court ang desisyon.
Umabot kasi sa 25 araw na nasa kustidiya ng korte si Mulakkal matapos na ito ay maaresto noong Setyembre 2018.
Dahil dito ay nakatakdang umapela sa korte ng investigating officer ng kaso na si S. Harishankar.
Nabigla rin si Sister Anupama na siyang nagsulong sa pagkakaaresto ng 57-anyos na obispo.
Inordinahan na maging pari si Mulakkal noong 1990 sa Punjab, India at ito ay promoted na maging obispo pagkatapos ng walong taon na pinamunuan niya ang Diocese of Jalandhar.