-- Advertisements --
Pinayagan na ng korte sa India na babayaran ng $674 o katumbas ng P34,000 ang bawat pamilya ng biktima ng COVID-19.
Nagbunsod ang desisyon ng panigan ng korte ang hiling ng mga abogado sa ilalim ng disaster management laws.
Noong Hunyo kasi sinabi ng mga petitioners na isang disaster ang COVID-19 kaya ito ay nasa ilalim ng National Disaster Management Act.
Nakasaad pa sa kautusan ng korte na dapat ibigay ang bayad 30 araw pagkatapos na maisumite ng kaanak ng mga nasawing biktima ang mga dokumento.