-- Advertisements --

Pinagtibay ng appellate court sa Kuwait ang guilty verdict at hatol sa suspek na pumatay sa overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara.

Ayon kay Department of Migrant Workers officer in charge Hans Cacdac, na kanilang inabisuhan na ang pamilya ni Ranara ukol sa desisyon ng korte sa Kuwait.

Inatasan din nito ang Migrant Workers Office sa Kuwait na makipagtulungan sa kanilang mga abogado para maghain ng civil actions for damages laban sa ama ng hinatulang suspek.

Base sa ruling ng Appeals Court ng Kuwait na makukulong ng isang taon ang suspek dahil sa pagmamaneho ng walang lisensiya at 15 taon dahil sa murder.

Magugunitang noong Enero 2023 ng ginahasa at nabuntis ng 17-anyos na anak ng amo nito si Ranara.

Natagpuan ang bangkay ng OFW sa isang disyerto kung saan sinunog pa ito ng suspek.

Noong Enero 28, 2023 ay naiuwi sa Pilipinas ang bangkay ni Ranara at ito ay inilibing sa Las Pinas City noong Pebrero 5, 2023.