Ibinasura ng korte sa Muntinlupa City ang apilang komokontra sa hindi pagdawit kay dating Senator Leila De Lima mula sa iligal droga.
Sa desisyon na inilabas ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 206 na kanilang ibinabasura ang motion ng prosecutor na humiling na baligtarin ang acquittal ni De Lima.
Inakusahan pa ng prosecution na nagkamit ang korte ng grave abuse of discretion sa kaniyang ruling.
Nakasaad pa sa desisyon na pirmado ni Presiding Judge Gener Gito, na walang nakamit na grave abuse of discretion ang korte.
Magugunitang noong Hunyo ay ibinasura na ng RTC ang third at final drug case na inihain kay De Lima dahil sa kawalan ng mga sapat na ebedensiya.
Kahalintulad din ito sa motion na inihain ni De Lima noong 2021 tungkol sa ibang drug case sa hiwalay na korte sa Muntinlupa na inaprubahan ng korte.