-- Advertisements --
Pinagbabayad ng judge sa New York si President Donald Trump ng halagang $2 million dahil sa hindi tamang paggamit ng charity funds noong 2016 political campaign.
Bagamat nagsara na ang Donald J Trump Foundation noong 2018 subalit inakusahan ng prosecutor an ginamit ng US president ang pondo para sa personal interest nito.
Ang nasabing mga charities kasi ay hindi puwedeng makialam sa pulitika.
Pinabulaanan naman ni Trump ang akusasyon at sinabing na ang bawat sentimo ng pondo ay napunta lahat sa charity.
Inakusahan din nito si New York attorney general Letitia James na namumulitika.