-- Advertisements --
SEOUL, South Korea – Naglabas ng warrant of arrest ang korte ng South Korea para sa na-impeach at suspendidong presidenteng si Yoon Suk Yeol.
Bunsod ito ng kanyang idineklarang Martial Law na nagresulta sa maraming gusot.
Ang warrant ay inilabas matapos na hindi sumipot si Yoon sa tatlong beses na imbestigasyon.
Siya ay nahaharap sa mga kasong kriminal na maaaring magresulta sa habambuhay na pagkakakulong o parusang kamatayan.
Ang Presidential Security Service ay tumangging sumunod sa tatlong search warrants, at hindi pa tiyak kung paano ipatutupad ang arrest warrant laban kay Yoon.