-- Advertisements --

Tinanggihan ng Korte sa South Korea ang pangalawang kahilingan na palawigin ang pagkakakulong ng na-impeach na si Pangulong Yoon Suk Yeol. 

Naaresto si Yoon noong nakaraang linggo ng insurrection charges, na unang pinuno ng South Korea na nakakulong sa isang kriminal na pagsisiyasat. 

Sinabi ng mga tagausig sa isang pahayag, ibinasura ng Seoul Central District Court ang kahilingan para palawigin ang pagkakakulong kay Yoon. 

Ito ay kasunod ng desisyon ng parehong korte isang araw bago sinabi ng isang hukom na “mahirap makahanap ng sapat na batayan” upang pagbigyan ang pagpapalawig. 

Pinlano ng mga tagausig na panatilihin si Yoon sa kustodiya hanggang Pebrero 6 para sa paglilitis bago siya pormal na ihabla, ngunit ang planong ito ay kailangang i-adjust. 

Tumanggi naman si Yoon na makipagtulungan sa kanyang kinahaharap na pagsisiyasat kung saan iginiit ng kanyang legal defense team ang kakulangan ng legal authority ng mga nag-iimbestiga.