-- Advertisements --
pacquiao mayweather
Floyd vs Pacquiao

Pinagtibay ng korte sa Amerika na walang karapatan ang mga hindi nasiyahang fans na magsampa ng kaso sa Pacquiao vs. Mayweather fight.

Sa desisyon na inilabas ng 9th US Circuit Court of Appeals mayroong 3-0 na boto ang mga huwes.

Giit sa ruling, ang mga fans at pay-per-view subscriber ay boluntaryong nagbayad at hindi sila pinilit na magbayad.

Dagdag pa ni Circuit Judge Jacqueline Nguyen, walang ligal na usapin kung sakaling hindi ibinunyag ni Manny Pacquiao na mayroon itong injury bago ang nasabing laban.

Magugunitang naghain ng kaso ang ilang dismayadong fans sa laban nina Pacquiao at Floyd Mayweather noong 2015 dahil sa hindi raw sila nakontento sa laban.

Matapos din ang nasabing laban ay inamin ng fighting senator na sumasakit ang kaniyang kanang balikat kaya hindi ito nakipagsabayan kay Mayweather.

Paliwanag naman ng korte malaking implikasyon o precedent sa boxing at iba pang sports kung kinatigan nila ang class suit ng mga boxing fans.