-- Advertisements --
Gagawin ng Korte Suprema ang kanilang makakaya para makapaglabas umano ng desisyon sa 37 petisyon laban sa Anti-Terrorism Act of 2020 bago matapos ang taon.
Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo, na tanging mga memoranda ang natanggap ng mga tribunal na inihain ng mga petitioners.
Dahil aniya sa dami ng mga petitioners ay hindi malayong hanggang sa katapusan pa ng taon makakapaglabas na sila ng desisyon.
Magugunitang isang araw pa lamang ng mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-terrorism law noong nakaraang taon ay dinagsa na ito ng petisyon.
Hiniling aniya ng mga petitioners sa SC na temporaryong itigil ang implementasyon ng batas subalit walang pagpigil ang naganap.