-- Advertisements --

Tinanggihan ng Korte Suprema ang kahilingan ni Senator Cynthia Villar at mahigit 315,000 na residente na kontra sa reclamation project.

Ang P14-bilyon reclamation project ay sasakupin ang 635 hectares ng lupain mula baybayin ng Manila Bay sa kahabaan ng Las Pinas City, Paranaque City at Bacoor City sa Cavite.

Ang court decision ay inilabas ni Associate Justice Rosmari Carandang.

Nakasaad sa desisyon na walang anumang ebidensiya na nagpapakita na ang panukalang coastal bay project ay maaaring makasira ng kalikasan, kalusugan at makakamatay.

Nagsimula ang naturang petition noong Abril 2013.