-- Advertisements --
cropped Supreme Court 1

Hindi kinatigan ng Korte Suprema ang isang petisyon na bumabatikos sa panukalang pag amyenda sa By-Laws ng Integrated Bar of the Philippines dahil umano sa kawalan ng merito.

Ang naturang petisyon ay inihain ni Atty. Peter Paul Magalang noong March 2023 laban sa Board of Governors ng Integrated Bar of the Philippines.

Kabilang rin sa tinutuligsa ng naturang petisyon ay ang ilang probisyon ng 2023 election guidelines ng IBP.

Ayon sa mga petitioner, hindi makatarungan,ilegal at discriminatory ang mga iminumungkahing pagbabago sa seksyon 39 at 47 ng IBP By-Laws sa ilalim ng resolution No. XXV-2022-81 at Article III, ng “Guidelines for the 2023 Elections for Governors” na may petsang Marso 10,2023.

Kabilang rin sa mga naghain ng petisyon ay incumbent at mga dating gobernador, presidente ,vice- presidents at opisyal ng ilang IBP Chapters.