Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon na humihiling ipahinto ang pagbili at paggamit sa COVID-19 vaccine na Sinovac na gawa ng China.
Sa inilabas na resolution, sinabi ng SC na bigong maipakita ng mga petitioner kung may batas na sumasang-ayon sa kaniyang kahilingan.
Ang petitioner ay pinangunahan ni dating Boac, Marinduque Mayor Pedrito Nepomuceno kung saan isinaad nito na bago payagan ang anumang bakuna ay dapat magsagawa ang Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration (FDA) ng trials.
Itinuro naman ng Korte Suprema ang Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act na ang pangulo ng bansa ang may discretion para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Hindi rin aniya sakop ng korte na utusan ang gobyerno na magsagawa ng testing bago maipamahagi ang mga bakuna sa mamamayan.