Nagsasagawa ang Korte Suprema ng mga bagong alituntunin para sa pagpapalaya ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na walang kakayahang makapagbayad ng P10-K piyansa.
Sa pagbisita ni Associate Justice Maria Filomena Singh sa PDLs sa Cebu City Jail Female Dormitory, sinabi nito na kapag ang isang indigent ay pinayagang makapagpiyansa sa kaniyang kaso at wala itong kakayahan para magbayad, titingnan na rin umano ng hukom ang kalagayan ng PDL katulad ng edad, nature ng kaso, kung siya ba ay first offender, buntis, isang ina na nag-aalaga pa ng maliliit na anak, o kung ito ba ay breadwinner ng pamilya.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga ikokonsidera ng hukom na imbis na ikulong pa ang akusado ay maaari na itong palayain habang patuloy na dinidinig ang kaniyang kaso.
Ito ay may kaugnayan rin sa inilabas na kautusan ng Department of Justice noong nakaraang taon na nagpapababa sa halaga ng piyansa sa P10-K upang matugunan ang problema ng pagsikip ng mga kulungan sa bansa.