-- Advertisements --
Muling tiniyak ng Korte Suprema (SC) ang suporta nito sa kampanyang “One Billion Rising” laban sa karahasan sa kababaihan, sa isang kick-off ceremony noong Pebrero 10.
Ngayong 2025, ang tema ay “Rise for Freedom: Rise Against Fascism,” na tumututok sa paglaban sa pang-aapi at kawalan ng hustisya.
Pinangunahan ni Acting Chief Justice Marvic Leonen ang programa, kasama sina Justices Henri Jean Paul Inting at Jhoseph Lopez, na nagsusulong ng gender sensitivity training sa hudikatura.
Suot ang orange shirts, nanawagan ang SC sa isang judiciary na malaya sa harassment, korapsyon, at takot, at hinikayat ang lahat na labanan ang pananahimik sa karahasan.