-- Advertisements --

Inatasan ng Korte Suprema si Francis Leo Antonio Marcos na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat ma-cite in contempt matapos niyang bawiin ang kanyang kandidatura sa 2025 senatorial race.

Noong Enero 21, 2025, matatandaan na pinayagan ng Korte si Marcos na tumakbo matapos itong mag-isyu ng Temporary Restraining Order laban sa Commission on Elections (COMELEC).

Una nang idineklara si Marcos bilang isang nuisance candidate ng COMELEC noong December 2024, pero matapos itong payagan ng korte na tumakbo sa pagkasenador, napagdesisyunan naman nitong bawiin ang kanyang kandidatura nito lamang Enero ng kasalukuyang taon.

Kaya naman ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, inaatasan ngayon ng Supreme Court si Marcos na magpaliwanag sa loob ng 48 oras kung bakit hindi siya dapat ma-cite in contempt dahil sa kanyang mga aksyon na tila hindi pagrespeto sa proseso ng Korte Suprema.

Samantala, ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, inasahan niya na rin na pagpapaliwanagin ng korte si Francis Leo Antonio Marcos sa naging aksyon nito.