-- Advertisements --

Tuluyang pinagtibay ng Korte Suprema ang conviction sa kasong murder ni Jason Ivler dahil sa pagpatay sa 27-anyos na si Renato Ebarle.

Sa dalawang pahinang resolusyon ng Supreme Court Second Division, ibinasura nito ang apela ng kampo ni Ivler dahil sa kabiguan nito na maglatag ng sapat na basehan para patunahang nagkaroon ng tinatawag na riversible error ang Court of Appeals (CA) sa kanilang desisyon.

Nagkaroon ng modification ang Supreme Court (SC) sa naging ruling ng appellate court na naghatol ng guilty beyond reasonable dount kay Ivler para sa kasong murder na may sintensiyang reclusion perpetua.

Pirmado ang resolusyion ni Deputy Division Clerk of Court Teresita Aquino Tuazon.

Si Ivler, ang bumaril at nakapatay kay Renato Ebarle sa isang traffic altercation sa Santolan Quezon City noong November 18, 2009.

Nasawi si Ebarle sa tatlong tama ng bala mula kay Ivler.

Si Ebarle ay anak ni dating Presidential Chief of Staff Undersecretary Renato Ebarle Sr.

Si Ivler naman ay pamangkin ng singer na si Freddie Aguilar.

Hindi sumuko si Ivler sa mga otoridad hanggang sa matimbog ito sa bahay ng kanyang nanay na si Marlene Aguilar noong January 18, 2010.

Inatasan ng SC si Ivler na bayaran ang naulilang pamilya ni Ebarle ng halos P10 million bilang bayad danyos.