-- Advertisements --
Pinangunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo at Associate Justice Jose Midas Marquez ang pagbubukas ng bagong Justice Hall sa Dapa, Surigao del Norte.
Ayon sa Korte Suprema, ito ay magsisilbing tahanan ng RTC Branch 31 kabilang na ang MCTC Dapa-Socorro.
Taong 2021 ng masira ng Super Typhoon Odette ang lumang gusali dahilan para itayo ang bagong gusali doon.
Sa naging programa ay pinuri ni Chief Justice Gesmundo ang ipinamalas na dedikasyon ng lahat ng mga kawani ng korte upang maihatid ang hustisya.
Nakipagpulong rin si Gesmundo sa mga huwes at kawani at pinag-usapan ang mga pangangailangan nito.
Tiniyak naman ng Korte Suprema ang patuloy na pagtatayo ng mga korte sa ibat-ibang bahagi ng bansa.