Pinaplano ngayon ng Korte Suprema na bumuo ng manual para sa treatment ng mga women cases na mayroong conflict sa batas.
Ayon kay Associate Justice Maria Filomena Singh, ito ay bilang bahagi ng pagsusumikap ng korte na itaguyod ang gender equality sa judiciary.
Ito ang kaniyang inihayag sa ginanap na Annual Flagship Conference’s Law, Justice, and Development Week sa World Bank headquarters sa Washington D.C. nag-aanyaya sa mga law experts sa buong mundo na talakayin ang pinakamahusay na mga pamamaraan sa pagsasagawa at pagpapatupad ng batas para sa pakikipagtulungan at karagdagang mga pag-unlad.
Dito ay ipinunto ni Singh na ang mga inisyatiba ng hudikatura ng Pilipinas tungo sa pagkakaiba-iba at gender inclusivity tulad ng adoption ng gender-fair language at courtroom etiquette, gender sensitivty workshops, at gayundin ang pag-aaral ng komisyon sa gender representation ng hudikatura.
Samantala, bukod dito ay ipinakita rin SC magistrate ang unang Green Justice Zone sa Puerto Princesa City, Palawan na inilunsad noong Nobyembre 10.
Kung saan ilan din sa mga iminungkahing proyekto ng Justice Sector Coordinating Council sa ilalim ng Puerto Princesa Green Justice Zone ay kinabibilangan ng manual para sa pagpapatupad ng mga environmental laws, at monitoring of environmental offenses.