Ibinasura ng Judge sa New York ang hiling ng kampo ni Sean “Diddy” Combs na payagan itong magpiyansa.
Sinabi ni Judge Andrew Carter na walang anumang kondisyon na maaaring mabawasan ang tsansa ng witness na harangin ang kaso.
Nahaharap kasi ang 54-anyos na rapper ng mga kasong racketeering conspiracy, sex trafficking and transportation to engage in prostitution.
Nananatili itong nakakustodiya sa Metropolitan Detention Center sa Brooklyn, New York.
Bahagi sa proposed bail package ay ang pagbabayad ng $50 milyon na bond na pipirmahan ni Combs, ang ina niya at mga kaanak, isusurender niya ang kaniyang passport, makukulong sa bahay, lingguhang pagsasailalim ng drug test at bawat bisita ay dapat mag-log.
Sakaling mahatulan ay mahaharap siya habambuhay na pagkakakulong.
Gaganapin ang nasabing pagbasa ng hatol sa darating na Oktubre 9.