Tiniyak ni Sen. Bong Go sa publiko na hindi kukunsintihin ng gobyerno ang anumang uri ng korupsyon na makakadiskaril sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa buong bansa.
Sinabi ni Sen. Go, seryoso ang gobyerno sa patas na pamamahgi ng mga bakuna lalo pahirapan ang pagbili dahil sa limitadong global supply.
Ayon kay Sen. Go, kung may nababalitaang katiwalian at nananamantala, isumbong ito agad sa pulis, sa gobyerno o sa National Bureau of Investigation (NBI).
Iginiit ng mambabatas na sila papayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong magsasabotahe nitong pagbabakuna.
“Nahihirapan na nga tayong kumuha ng supply ng bakuna tapos meron pang magsasamantala. Kakasuhan ‘yan, ipapakulong po namin kung sino ang mga taong nananamantala dito sa sitwasyon natin dahil naghihirap po ang Pilipino. Magtulungan na lang po tayo at ‘wag na natin dagdagan pa ang kalbaryo ng tao,” ani Sen. Go.
Inihayag ng senador na inuuna lang ang mga frontliner dahil ang target ng gobyerno ay mabakunahan ang 1.7 million health workers pero nasa 1.1 million pa lang na doses ang dumating at para lang ito sa 500,000 health workers.