-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Inamin mismo ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royima Garma na bigo siyang malinis sa katiwalian ang ahensya sa self-imposed deadline na dalawang linggo.

Paliwanag ni Garma, nahirapan siya dahil marami pa ang dapat na linisin at pag-aralan sa mga gaming activities ng PCSO tulad ng Small Town Lottery (STL), Keno at Peryahan ng Bayan, upang mas malaki ang pumasok na pondo para sa charity.

Kung maaalala, sinabi ni Garma na hindi papayagan na muling magbukas ang mga STL operations na may pagkakautang sa PCSO tulad ng Cagayan.

Ayon kay Garma, nasa P2.7 billion ang pagkakautang sa PCSO ng ilang STL at iba pang gaming activities sa bansa.