-- Advertisements --

Interesado umano ang Los Angeles Lakers na kunin ang ilan sa naging mga teammates noon ni superstar LeBron James sa Cleveland Cavaliers.

Ayon sa mga sources, kabilang daw sa target ngayon ng Lakers si J.R. Smith na naging sentro ng katatawanan noong NBA Finals noong nakaraang taon.

Kahit kasi walang team na gustong kunin si Smith, sinusubukan pa rin daw ng Cavaliers na ito’y maisama sa isang deal.

Sa ngayon nananatili si Smith sa Cleveland dahil sa apat na taon nitong kontrata na nagkakahalagang $57 million.

Isa rin sa posibleng kunin ng Lakers si Kyle Korver na kasalukuyan ngayong nasa Utah Jazz.

Sinasabi ng mga observers, magiging malaking tulong si Korver, na kasama ni James sa Cavs ng isa’t kalahating taon, sa Lakers lalo na sa aspeto ng shooting.

Noong nakaraang season, naglista ng average na 8.6 points per game si Korver, habang may 39.7 percent ito mula sa 3-point range.