CAGAYAN DE ORO CITY – Kakaharapin ng negosyanteng Koryano ang mga paglabag sa mga batas ng Republic Act 7610 partikular sa child abuse law at violation ng Dangerous Drugs Act of 2022 matapos naaresto na kasa-kasama ang dalawang babae na menor de edad sa loob ng lodging house sa kahabaan ng Barangay Kauswagan,Cagayan de Oro.
Sinabi sa Bombo Radyo ni PNP-Anti Cybercrime Group 10 chief Lt Col Lemuel Gonda na nag-ugat ang pagka-aresto ng suspek na si Mr Wang,57 anyos na taga- North Korea at umano’y higit 20 taon sa Pilipinas matapos nailigtas ng kanyang mga tauhan ang isa sa mga menor de edad na ipinasok sa kuwarto.
Salaysay ng mga tauhan ni Gonda na kasama ang mga personahe ng City Social and Welfare Development na kaya lumabas ang menor ay dahil ayaw nito makisama paggamit ng droga sa Koryano at mismong 21 anyos na Pinay girl friend nito.
Ito ang dahilan na ikinasa ng PNP-ACG 10 at CSWD ang paglusob sa kuwarto at aktuwal na naabutan ang Koryano kasama ang dalawang Pinay.
Kuwento pa ng unang rescue minor na magkasunod umano silang tatlo na isinangkot ng suspek sa sexual activity bago ang paggamit ng ilegal na droga.
Tumambad rin sa mga otoridad ang residue na lamang ng suspected illegal drugs na ginamit ng Koryano.
Subalit iginiit ng suspek na walang basehan ang paratang na ipinukol sa kanya at katunayan ay isa umano itong misyonaryo na tumutulong sa ilang non-government organizations habang abala rin sa kanyang negosyo bilang subdivision developer dito sa bansa.