-- Advertisements --

Nahaharap sa kasong pagpatay sa international prosecutor court sa The Hague si Kosovo President Hashim Thaci.

Kasama nito ang siyam na iba ay sinasabing siya ang nasa likod ng pagpatay at pagkawala ng nasa 100 na katao.

Nangyari ang insidente noong independence war laban sa Serbia mula 1998 hanggang 1999.

Mariing pinabulaanan naman ni Thaci ang alegasyon at sinabi na walang basehan ang nasabing reklamo.

Magugunitang nasa 10,000 ang nasawi sa independence war noong 1998-1999 at ito ay natapos lamang ng magsagawa ng air campaign ang NATO.