Nahuli ng mga tauhan ng PNP Counter Intellegence Task Force (CITF) ang isang pulis dahil sa pangongotong.
Bandang alas-12:30 ng tanghali ng ikasa ng CITF ang entrapment operation sa mismong gate ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Batay sa reklamo ng hindi pinangalanang complainant, inalok umano sila ng nasabing pulis na kinilalang si Police Cpl. Rommel Enrico na naka-assign Bureau of Immigration (BI) para ayusin ang kaso ng asawa nitong Koreano.
Ikinulong sa Immigration sa Bicutan ang naturang Koreano dahil sa kasong overstaying kaya’t inalok umano ni Enrico ang Pinay na asawa ng dayuhan ng P200,000 kapalit ang paglaya nito.
Sa ikinasang operasyon, positibong tinanggap ng pulis ang marked money na siyang naging hudyat ng pagkaka aresto.
Nahaharap ngayon sa kasong Graft at direct bribery ang naarestong pulis.
Kasalukuyang nakakulong ngayon sa CITF detention cell ang nasabing pulis.