-- Advertisements --

Ibinebenta na ngayon ng may-ari ng 1992 Lamborghini Diablo na ginamit ng kalaban ni Pierce Brosnan sa James Bond movie na “Die Another Day”.

Ayon sa Beverly Hills Car Club, ang pinakamalaking dealer ng European classic cars- nagkakahalaga ito ng $119,500.

Ang nasabing sasakyan ay ginamit ni Col Tan-Sun Moon o kilalang si Sir Gustav Graves.

Kasama ni Brosnan sa nasabing pelikula sina Halley Berry, Judi Dench at John Cleese.

Ayon sa may-ari at pangulo ng Beverly Hills Car Club na si Alex Manos, na mahalaga ang nasabing sasakyan sa mga die-hard fans ng James Bond movies.