-- Advertisements --

LAOAG CITY – Sumalpok ang isang kotse sa concrete barrier ng bypass road dito sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang driver ng kotse na si Franz Darrel Ranie Jose, 18-anyos, at residente ng Brgy. 17 Sta. Asuncion, San Nicolas, Ilocos Norte.

Ayon kay Police Staff Sgt. Glenn Asuncion ng PNP Traffic Division, wala sa impluwensya ng alcohol ang driver ngunit mabilis ang pagpapatakbo nito ng minanehong kotse sa timog na direksiyon.

Hindi naman nasugatang ang driver ngunit nasira ang harapan at ilang bahagi ng kotse matapos ang self accident.