-- Advertisements --

Tagalog Version
Kotseng minaneho ng estudyanteng lasing, nagkawatak-watak matapos araruhin ang 22 na konkretong barikada sa Laoag City

LAOAG CITY – Inararo ng isang kotse ang 22 na konkretong barikada sa bypass road sa bahagi ng Brgy. Tangid ditoy ciudad ti Laoag.

Kinilala ni Pol. Chief Master Sgt. Eric Bumagat, hepe ng Philippine National Police-Traffic Division dito sa lungsod ng Laoag ang driver ng kotse na si Carl John Aerrone Purisima, 21-anyos, estudyante at residente sa Brgy 17, Pannaratan sa bayan ng Paoay.

Base umano sa imbestigasyon ng mga otoridad, patungong timog na direksyon ang kotse sa bypass road ngunit nawalan ng kontrol ang driver at bumangga sa mga concrete barrier.

Sinabi nito na ang driver ng kotse ay lasing at mabalis ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan.

Dahil dito ay nagkawatak-watak ang kotse kung saan natanggal ang gulong at tumilapon ang makina ialang metro mula sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, itinakbo naman ang driver sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital (GRASMH) ditto rin sa lungsod at masuwerteng hindi nagtamo ng malalang sugat.