-- Advertisements --
Tiniyak ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin na maglalaro sa national team si Ange Kouame.
Ito ay matapos ang ilang buwan nang aprubahan ang kaniyang naturalization.
Sinabi ni Baldwin na nagkaroon na sila ng pag-uusap ng adviser ng Ateneo de Manila player na si Arben Santos na makakasama ng Gilas Pilipinas si Kouame sa 2023 FIBA World Cup.
Naka-focus aniya ang 6-foot-11 na Ivorian center sa paglalaro sa FIBA World Cup.
Wala rin aniya itong balak na maglaro sa ibang bansa gaya na ginawa ng ilang mga manlalaro ng bansa.
Magugunitang kinuha ng Australian basketball league ang 7-foot-2 center na si Kai Sotto habang sina Dwight Ramos at Thirdy Ravena ay nasa Japan kasama si Kobe Paras.