Babanderahan ni Angelo Kouame ang 16-man pool ng Gilas Pilipinas na lalahok sa second window ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers.
Inaasahang si Kouame ang magiging naturalized player ng Pilipinas sa hinaharap sa oras na ma-endorse na sa Senado ang kanyang naturalization.
Maliban kina Kouame, tampok din ang mga Ateneo stars na sina Mike at Matt Nieto, Isaac Go, Dwight Ramos, Dave Ildefonso, ar Will Navarro.
Kasama rin sa listahan ang mga UP aces na sina Kobe Paras, Jaydee Tungcab, at Juan at Javi Gomez de Liaño.
Maging ang mga special Gilas draftees na sina Rey Suerte at Allyn Bulanadi, La Salle stalwart Justine Baltazar, at San Beda standouts Calvin Oftana at Kemark Cariño ay kabilang din sa pool.
Matatandaang una nang naglaro sa qualifiers sina Go, Juan Gomez de Liaño, Matt Nieto, at Ramos kung saan umalalay sila sa pagdurog ng Pinoy cagers sa Indonesia sa unang window noong Pebrero.
Nakatakdang makipagtuos ang Pilipinas sa Thailand nang dalawang beses sa Nobyembre 26 at 30 sa isang bubble sa Manama, Bahrain.
Ang South Korea sana ang haharapin ng mga Pinoy sa Nobyembre 28 ngunit umatras ito dahil sa pangamba sa COVID-19.